(As published in ABANTE Newspaper on Feb. 17, 2009 under the column of Ms. Ellen Tordesillas)
website: http://www.ellentordesillas.com/?p=4324Gusto ko po sanang idulog sa inyo ang isang mistulang ‘big time extortion’ na ginagawa ng ilang empleyado ng Meralco sa amin.
Nagsimula po ito noong October 2008 nang magsagawa ng inspection ang ilan nilang mga tauhan sa lugar namin. Apparently ay may nakitang ‘two-line jumper’ ang mga inspector sa isang katabing bahay namin. Kapagdaka’y pumunta sa bahay namin iyong isang inspector. Ikinagulat po ito ng Nanay ko dahil unang-una ay hindi naman niya alam ang nangyayari dun sa ibaba dahil nasa itaas po ang bahay namin. Bigla daw pong pumasok itong inspector na ito na nang tanungin ng Nanay ko kung sino siya at kung ano iyon… sinabi lang daw niya na taga-Meralco siya at inspeksyon lang daw.
Labis na ikinagulat ng Nanay ko nang bumaba siya at makita na tila kukumpiskahin ng mga inspector ang aming metro at nang kanyang tanungin kung bakit nila gagawin iyon ang naging tugon daw ng inspector ay ‘Nay, makipag-ayos na lang po kayo sa akin!’Natural hindi ito naging maganda sa pandinig ng Nanay ko dahil pinalalabas ng inspector na may ginawa kaming mali. Nagkaron ng pagtatalo at nakarating ang usapan sa aming baranggay kung saan parehong pinakinggan ng aming punong-baranggay ang magkabilang panig.Dito ipinaliwanang ng inspector na may nakita silang tinawag nilang ‘two-line jumper’ sa aming kapitbahay. Naka-tapped daw ito sa labas papasok don sa loob ng bahay kung saan nila ito nakita. Dumaan sa kisame ng unang palapag papunta sa may bandang dingding. At dahil kami po ang nasa kabila ng dingding, ipinagpalagay po ng inspektor na iyon ay sa amin.
Gumawa siya ng kanyang report at pinanindigan ang nakita niyang iyon. Na kami daw ay nagkaroon ng ‘Violation of Contract’.
Hindi po namin matanggap ang kanilang naging basehan kung kayat nagkaron ng pagtatalo. Hanggang sa nagmungkahi ako na kung maari ay tumawag sila ng isang nakataaas sa kanila upang ipasiyasat sa kanila iyong ginawang report ng inspektor.May dumating naman po na taga-Investigation Division at Para-Legal Office ng Meralco. Wala na noon ang mga inspektor ngunit ipinatawag sila upang sila mismo ang magpaliwanag ng kanilang report.
Itinuro ng inspector kung saan nila nakita iyong iligal na linya at ipinaliwanag niya kung paano siya nakarating sa konklusyon na kami ang nakikinabang dito.
Nang tanungin ko siya kung nagawa ba niyang pumanhik don sa itaas ng bahay na iyon upang tingnan kung konektado pa din don ang kawad na itinuturo niya, kitang-kita namin iyong pagkabigla niya at ang tanging naisagot lang niya ay ‘hindi ko alam na may itaas pa pala’.
Sa harap ng kanilang dalawang opisyal at ng aming punong baranggay, muli ko siyang tinanong kung posible bang iyong kawad na iyon ay papunta sa itaas at hindi pa-diretso, ang naging tugon naman niya ay ‘ewan ko, basta dito ko nakita iyong kawad’.
Sa puntong iyon, kusa naming inalok na aming gigibain iyong dingding ng bahay upang makita nila kung may kahit na maliit na butas na pwedeng pasukan ang mga kawad na sinasabi nila papunta sa aming bahay. Pero sinabi ng kanilang opisyal na hindi na kailangan at nakita na nila ang dapat nilang makita. Nangako sila sa aming punong baranggay na magbibigay sila ng kanilang ‘final report’ kinabukasan at nagpaalam na.
Nagdaan ang mahigit isang buwan at wala na kaming narinig pa mula sa kanila. Subalit bago mag-pasko ng nakaraan taon ay may dumating na isang sulat or ‘Demand Letter’ sa amin na nagsasabi na kami daw ay kailangan magbayad ng ‘Surcharge’ sa halagang Php602.90 dahil kami daw ay may ‘Violation of Contract’. At kung hindi ay kukumpiskahin na nila ang aming metro.
Sinubukan ko itong i-klaro sa Meralco Pasay Branch at nakausap ko naman iyong mismong taong gumawa at nagpalabas ng ‘demand letter’ na iyon. Pinipilit kong ipaliwanag iyong aming sitwasyon ngunit hindi daw doon ang tamang lugar ng mga reklamo dahil ‘implementation’ lamang sila. Itinuro niya ako na pumunta sa Main Office sa Pasig dahil ang Pasig daw ang nagpalabas ng utos.
Agad din akong nagpunta sa kanilang opisina at itinuro ako sa kanilang Para-Legal Office. Dito, sinabi naman sa akin ng isang abogado doon na ang mga ganitong isyu daw ay dapat sa branch office pa din at hindi sa kanila. Muli niya akong pinabalik sa Pasay Branch at sinabihan na kausapin iyong taong pwedeng mag-desisyon dito.
Pagbalik ko sa Pasay Branch, hindi ako hinarap ng taong dapat kausapin pero nagbigay siya ng instruction sa isang naroon na kung sakali darating ako ay mag-file daw ako ng formal complaint at request for re-investigation. Ipina-hold na rin muna nila ang pagkumpiska ng aming metro habang isinasagawa ito.
Nag-file ako ng akong formal complaint noong January 16, 2009. Naghintay kami na ipatawag or may pupunta sa aming lugar upang magtanong-tanong or mag-occular inspection base sa ipinasang report ng kanilang inspector.
Sa kasamaang-palad, dumaan ang mga araw na wala man lang tumawag or nagpunta sa aming lugar hanggang sa may dumating sa aming sulat (dated February 9, 2009 but received February 13, 2009) galing sa Meralco Pasay Branch Office Head na naglalaman ng resulta ng kanilang ginawang ‘re-investigation’ at ‘re-evaluation’ ng aming isinampang reklamo. Dito kanilang pinangangatawanan ang ginawang report ng kanilang inspector at kami ay pinagbabayad na ng halagang Php237,670.80.
Dito sa ipinadalang sulat ay may binanggit silang kuha ng mga litrato ng kanilang mga ebidensya. Bakit ayaw nilang ipakita sa amin iyong mga kuhang iyon upang i-confirmed kung ang mga kuhang iyon ay sa aming bahay nga ba or sa iba?
Ano bang klaseng trabaho ba ito? Parang isang malaking ‘extortion practice’ itong ginagawa nila eh. Pati ba naman sa Meralco wala na ding hustisya ang mga imbestigasyon?
Kami ang ginugulo ng mga taong ito gayong regular na nagbabayad ng bills ang nanay ko habang iyong may-ari ng bahay kung saan nila nakita ang ilegal na koneksyon ay wala silang ginawang aksyon. At ang masaklap, hindi nila binigyan ng importansya o sinilip man lang na iyong bahay na iyon ay walang maipapakitang metro pero may mga gamit sa loob ng kanilang tatlong palapag na bahay.
Ngayon po ay nagbabanta na naman sila na kukumpiskahin na ang aming metro kung hindi namin mababayaran ang halagang hinihingi nila.
Sana po ay matulungan niyo ako na mailabas ito at muling ma-imbestigahan upang makita kung sino ang mga nagkasala at dapat maparusahan. Gayundin upang mabigyan ng leksiyon o aral ang mga inspector na hindi pwedeng ‘pressumption’ ang kanilang maging basehan sa kanilang mga gagawing aksyon or report dahil napaka-seryoso ng kasong ‘illegal connection’